Watch! Pacquiao To CIDG: Bakit Niyo Dinis-aramahan At Pinaharap Sa Pader Ang Mga Jailguards?








Sa umpisa ng hearing patungkol sa pagkaka-paslang kay Albuera Mayor Rolando Espinosa, nagtataka si Senador Manny Pacquiao at ang buong sambayanan sa inasal at naging aksyon ng ilang miyembro ng CIDG Region 8 laban sa mga guwardiya ng Baybay Jail. Ayon sa mga nauna ng ulat, pinaharap sa pader at dinis-armahan ng mga taga-CIDG Region 8 ang mga jailguards ng Baybay jail. Kaya nang makaharap ni Senador Pacquiao ang isang dating hepe ng CIDG, naitanong ni Pacquiao kung tama ba ang ginawa ng ilang operatiba ng CIDG Region 8.

“Gusto ko lang malaman kay General Magalong kung tama ang ginawa ng mga tauhan mo sa pagpapatalikod doon sa mga jailguards. Tama ba ang ginawa nila?” sabi ni Senator Pacquiao.
Paliwanag ni Ex-CIDG Chief, tama naman ang naging proseso ng pagpapaharap sa pader, pero  ginagawa lang ito sa mga kriminal at hindi sa mga kapwa tagapagpatupad ng batas.

“Sa aming pong police operational procedure, when we are dealing with criminals that is actually po ‘yung  tamang procedure. Let them face the wall, ‘yun po for criminals, but not for friendlies. E kasamahan namin po ang mga iyan. Bakit ganoon naman po ang trato namin sa kanila?”
Nagtataka rin ba kayo sa ginawang aksyon ng mga CIDG Region 8? Naliwanagan ba kayo sa sagot ni General Magalong?


source

No comments

Powered by Blogger.