Watch! Lacson To CIDG: Inaasahan Niyo Ba Na Papatayin Si Mayor Espinosa? Bakit Tumawag Agad Ng SOCO?








Hindi napigilan ni Senador Panfilo Lacson na kuwestiyonin ang mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group ng Region 8 dahil sa mga kapuna-punang detalye sa kanilan mga salysay. Nagtataka ang senador kung bakit kailangan tumawag agad ng Scene Of The Crime Operatives (SOCO), kahit hindi pa napapasok ang mga taga-CIDG sa kulungan ni Mayor Rolando Espinosa. Natanong tuloy ni Senador Lacson kung plano ba talagang patayin si Mayor Espinosa.

“Nakalagay dito 4:30 am, the CIDG team was able to enter the jail premises thru the use of bolt cutter. Sa affidavit ni Police Officer 2 Jennifer Mongje, tumawag si Supt. Pira requesting for SOCO at 3:49 am. So, hindi pa kayo nakakapasok, nagre-request na agad kayo ng SOCO (Scene Of The Crime Operatives). Bakit? Ina-anticipate niyo ba na may papatayin kayo? Kaya nagre-request na agad kayo ng SOCO?” sabi ni Lacson.

Si Albuera Mayor Espinosa ay napatay noong Sabado sa pangunguna ng CIDG Region 8. Marami ang nanghihinayang at nagtataka sa nangyari dahil malaki raw ang maitutulong ni Espinosa sa imbestigasyon ng mga narco-politicians sa ating bansa. Isa si Espinosa sa pinangalanan ni Pangulong Duterte sa kanyang narco-list.


Ano ang masasabi niyo sa obserbasyon ni Senator Lacson?



source

No comments

Powered by Blogger.