Watch! Jailguards Sa Kulungan Ni Mayor Espinosa, Tinutukan Ng Baril Ng Mga Taga-CIDG Region 8!








Habang lumalakad ang mga araw ay lalong dumadami ang mga tanong sa kaso ng pagpatay kay Albuera Mayor Rolando Espinosa ng ilang miyembro ng Criminal Investigation and Detection Group Region 8. Si Espinosa ay nauna ng sumuko sa otoridad matapos madawit sa kalakaran ng iligal na droga, kaya nagtataka ang marami nating kababayan sa testimonya ng mga taga-CIDG 8 na nanlaban diumano ang alkalde ng Albuera. Napuna rin ng ilang netizens ang oras ng paghahain ng search warrant kay Espinosa. Tanong ng ilang, bakit madaling araw isinagawa ang paghahain ng search warrant?

May mga impormasyon din na lumulutang na pwersahang pinasok ng mga taga-CIDG Region 8 ang Baybay Provincial Jail at dinisarmahan pa raw ang mga jailguards dito. Ilang preso na rin ang nagsalita sa kaduda-dudang police operation ng CIDG 8. Ayon sa ilang presong naka-saksi sa pangyayari, hindi raw nanlaban si Espinosa. Nagdududa rin raw sila Philippine National Police Chief General Bato at ang hepe ng Albuera Police na si Chief Inspector Jovie Espenido.

Ayon sa ilang senador, balak raw nilang buksan muli ang imbestigasyon patungkol sa extra-judicial killings sa senado para malaman ang puno’t-dulo sa nangyaring pagpaslang kay Mayor Espinosa.
May ilang nagsasabi na posibleng  dawit si Senadora Leila De Lima sa pagkamatay ni Espinosa. Kung kayo ang tatanungin, posible nga ba ito?



source

No comments

Powered by Blogger.