Watch! General Bato, Iimbestigahan Ng Ombudsman Dahil Sa Pagpunta Sa Laban Ni Pacquiao?








“Sige lang imbestigahan ako,”

Ito ang naging tugon ni Philippine National Police Chief General Ronald “Bato” Dela Rosa nang kuhanan siya ng reaksyon patungkol sa ikinakasang imbestigasyon laban sa kanya ng Ombudsman.  Matatandaang inilibre ni Senator Manny Pacquiao si General Bato at ang buong pamilya nito sa kanyang laban sa Las Vegas.

Ayon sa Ombudsman, hindi raw nararapat ang pagtanggap ni General Bato sa panlilibre ni Senator Manny Pacquiao. Dinepensahan naman ni Sen. Pacquiao ang pagpunta ni General Bato sa kanyang laban sa Las Vegas.

“Alam mo kami mga Bisaya, okay lang yan ilibre kaysa gumawa ng kalokohan,” sabi ni Pacquiao

Batikos naman ang inabot ng Ombudsman sa social media. Ayon sa ilang nating kababayan, wala raw silang nakikitang masama sa pagtanggap ni General Bato sa imbetasyon ni Pacquiao, lalo na kung libre naman ito. Mayroon rin raw na mas malalang isyu na kailangan pagtuunan ng pansin ang Ombudsman kaysa sa pagpunta ni Bato sa laban ni Pacquiao.
Anong reaksyon niyo sa binabalak ng Ombudsman? Sa tingin niyo, over-acting lang ba ang mga taga-Ombudsman?



source

No comments

Powered by Blogger.