Watch! Duterte Administration, Ilalagay Sa Internet Ang Transaksyon Ng Mga Proyekto Para Iwas Korapsyon!








“Sabi ho ng Pangulo, let’s have a clean government and one of the foundation of having a clean government is to be very transparent. And one of the gateways for us to be transparent is to open up a freedom of information portal,”

Ito ang naging pahayag ni Department of Transportation Secretary Arthur Tugade sa isang presscon patungkol sa mga nakalinyang malalaking proyektong ipapatayo ng Duterte Administration. Ayon sa kalihim, lahat ng mahahalagang detalye ng mga proyekto ay ilalagay sa nasabing internet information portal. Makatutulong daw ito para masawata ng husto ang korapsyon sa pamahalaan.

“In other words, lahat ho ‘nong proyekto, makikita n’yo diyan sa freedom of information portal. The status, the contract, the contractor, lahat ng detalye niyan, the state nandodoon ho ‘yan,”

Ayon naman kay Bases Conversion and Development Authority (BCDA) President Vince Dizon, seryoso ang Administrasyong Duterte na ipakita sa taong bayan ang pagtutol sa korapsyon kaya planong nilang mailunsad ang nasabing information portal sa loob ng taong ito.

You know in the past administrations, they all talked about transparency, tuwid na daan and anti-corruption but it is only the Duterte administration that acted and acted quickly to make sure that all the information that the public needs and the media needs to make, all government transactions transparent is there and this is what this portal is for,” sabi ni Dizon.




source

No comments

Powered by Blogger.