“Build. Build. Build.”

Ito ang ipinangalan ng Duterte Administration sa kanilang inilinyang mga infastructure projects. Layon ng proyektong ito na mabawasan ang matinding trapiko sa Metro Manila at mapagaan ang pagbiyahe ng mga kababayan natin sa labas ng Maynila.



Sa nasabing proyekto, lalahok at magkakaroon ng koordinasyon ang iba’t-ibang ahensya ng gobyerno tulad ng National Economic Development Authority (NEDA), Department of Public Works & Highway (DPWH),  Department of Transportation (DOTr) at Bases Conversion and Development Authority (BCDA).  Ito ang pinaka-unang pagkakataon na magtutulong-tulong ang mga nasabing ahensyang.
Inaasahan na makakapagbigay ng trabaho sa mga kababayan natin ang proyektong ito. Plano rin ng Administrasyong Duterte na matapos ang mga nasabing proyekto bago matapos ang termino ni Pangulong Duterte.


Ito ang listahan ng mga itatayong imprastraktura:
1. Sta. Monica-Lawton-BGC Link Bridge
2. UP-Miriam-Ateneo Viaduct
3. Iloilo-Guimaras-Negros-Cebu Link Bridge
4. Davao City Bypass Construction Project
5. NLEX-SLEX Connector Road
6. Manila-Clark Railway
7. Mindanao Railway
8. Metro Manila Bus Rapid Train System
9. Regional Airport Development
10. Clark International Airport New Terminal Building
11. Clark Green City
12. BGC-NAIA Bust Rapid Transit System
13. Subic-Clark Cargo Railway
Excited ka na ba na magawa ang mga ito?


source