LOOK! Senator Lacson, May NAAMOY Na Anomalya Sa Pagkamatay Ni Mayor Espinosa!








“There’s more than meets the eye in the killing of Mayor Espinosa. May pinagtatakpan ba na mas malaking tao sa pagpatay kay Mayor Espinosa at sa abogado niya?” 

Ito ang naging pahayag ni Senador Panfilo “Ping” Lacson sa pagakakapatay kay Albuera Mayor Rolando Espinosa sa loob ng kanyang kulungan. Base sa mga taga-CIDG Region 8, nanlaban daw si Mayor Espinosa nang hainan ito ng search warrant ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group Region 8. Ngunit, para kay Lacson ito ay isang malinaw na kasong ng Extra-judicial killing.

“Mayor Espinosa being killed in a “firefight” while being served a warrant inside a prison cell is a very bad script. A clear case of EJK. “ sabi ni Lacson sa kanyang Twitter account.
Bubuksan muli ng senado ang imbestigasyon sa extra-judicial killing. Parehas nadismaya sila Senador Richard Gordon at Lacson sa nangyaring pagpatay kay Espinosa.

Iniuugnay naman ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre si Senadora Leila De Lima sa pagkakapaslang kay Espinosa. Ayon kay Aguirre, common denominator si De Lima sa kaso ng pagpatay kay Espinosa.

“May affidavit si Mayor Rolando Espinosa; tinuro niya yung mga taong involved sa droga. Ang number one na enumerated niya ay si De Lima. Iisipin mo na although pulis o CIDG gumawa niyan, puwede din naman na talagang gamitin, nagpapagamit yang mga pulis na ‘yan para patahimikin yung puwede mag-squeal sa kanila,”

source

No comments

Powered by Blogger.