LOOK! Leni To Pres Duterte: Tigilan Mo Ang MALANDING Biro!








 “We’re hoping, VP Leni is hoping, that this incident will no longer be repeated,” 

Ito ang naging pahayag ng kampo ni Vice President Leni Robredo sa naging biro ni President Duterte sa kanyang tuhod. Ayon sa tagapagsalita ni VP Leni na si Georgina Hernanez, dapat na raw ihinto ng Presidente ang mga pagbibiro at pagbibigay ng  mga sexual innuendos.

Nauna nang binuweltahan ni VP Leni ang Pangulo. Sa isang pahayag noong Miyerkules, “tasteless remarks” at “inappropriate advances” daw ang mga sinabi ng Pangulo.

Matatandaang biniro ni Pangulong Duterte si Leni tungkol kagandahan ng kanyang tuhod. Noong unang hiningan ng reaksyon si Robredo ukol sa pagbibiro ni P. Duterte, sinabi niyang sanay na siya sa biro ng Presidente, pero nang kinalaunan ay nagbago na ang kanyang tono.

Ayon naman sa ilang kababayan natin sa Visayas region, ang biro ni Pangulong Duterte ay hindi kailangan gawing literal ni VP Leni. Sa Visayas, ang ibig sabihin daw kasi ng makinis ang tuhod ay hindi nagta-trabaho. Pahapyaw raw ito sa performance ni VP Leni sa Yolanda Housing.

source

No comments

Powered by Blogger.