“Hoy! On-Leave Ako!”, Banat Ni General Bato Sa Mga Kritiko Niya!








Sa nangyaring pagpatay kay Albuera Mayor Rolando Espinosa, maraming kababayan natin ang hindi maiwasang punahin ang pagpunta ni Philippine National Police Chief General Ronald “Bato” Dela Rosa sa laban ni Pacquiao sa ibayong dagat. Sa isang panayam kay General Bato, sinabi ng PNP Chief ang dahilang kung bakit siya nasa labas ng bansa. Ayon kay Bato, on-leave siya at hindi ginagastos ang pera ng bayan sa kanyang biyahe.

“On-leave ako ha! Baka mamaya mamaraming ng galit sa akin na wala ako diyan! On-leave po ako ngayon. And I’m not spending government money. Libre po ito ni Senator Pacquiao yung aking biyahe, pati hotel ko. Libre po ito, kaya huwag kayong mag-alala.”

Sa nasabing panayam kay PNP Chief Bato, nasabi ng heneral na may ilang miyembro ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Region 8 na tiwali at korap.

“Kaya nga marami diyan sa CIDG Region 8 ay pinagtatanggal natin dahil involved at talagang sinasabi nilang protektor at tumatanggap ng pera, kaya pinatanggal natin.” sabi ni General Bato.

Ang grupo ng CIDG ang isa sa mga nag serve ng search warrant habang nasa piitan si Mayor Rolando Espinosa Sr. Pina-iimbistigahan na ni General Bato ang nangyaring pagpatay kay Espinosa.



source

No comments

Powered by Blogger.