BREAKING! Pres. Duterte, Pumayag Ng Gamitin Ang Bataan Nuclear Power Plant!








Ayan! Pumayag na si Pangulong Rodrigo Duterte na gamitin ang Bataan Nuclear Power Plant. Matatandaang sinabi ni Presidente Duterte na habang siya ang naka-upong Presidente ay hindi gagamit ang Pilipinas ng nuclear power.

Ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi, nagbago na raw ang isip ng Pangulo at nagbigay na ng go-signal para i-rehabilitate ang matagal ng nakabinbin na Bataan Nuclear Power Plant. Ngunit, binigyan diin ng Presidente na kailangan pagtuunan ng pansin ang seguridad at kaligtasan.

“He raised his concerns, and I gave him the assurance that we would not do it recklessly,”
Ipinangako naman ng kalihim sa Presidente na susundin nila ang international safety standards para walang maging aberya sa pagsasabuhay ng NBPP.

“I reassured him that all of his concerns will be addressed. We are going to follow the strict measures of the International Energy Agency,”

Maaring umabot raw ng 2 hangang 4 na taon ang rehabilitation process ng NBPP at humigit-kumulang 1 bilyong dolyar ang maggagamit para maisa-ayos ito.

source

No comments

Powered by Blogger.