BREAKING: Patay Si Albuera Mayor Rolando Espinosa Matapos Mabaril Sa Loob Ng Selda

Kinumpirma ni Albuera chief of police (COP) C/Insp. Jovie Espinido na nabaril at napatay sa loob ng selda ang nakakulong na alkalde ng Albuera na si Mayor Rolando Espinosa.

Batay sa pahayag ni Espinido na alas-4:00 kaninang madaling araw ng isilbi ng mga operatiba ng CIDG region 8 ang search warrant para kay Espinosa.

Layon ng search warrant na halughugin ang selda ng alkalde subalit sa hindi pa malamang circumstances ay nanlaban ang alkalde na naging sanhi ng kaniyang agarang pagkamatay ni Espinosa.

Si Mayor Espinosa ay nahaharap sa kasong illegal posession of firearms and illegal drugs kung kayat nakakulong ito ngayon sa Leyte Sub Provincial Jail sa Baybay City.
SourceBomboradyo

No comments

Powered by Blogger.