BREAKING NEWS! Matobato, Kumukuha Ng Political Asylum Sa Netherlands Para Gawing Testigo Sa International Criminal Court Laban Kay Duterte?









Oo,tama ang narinig niyo! Kumukuha na daw ng application for political asylum si Edgar Matobato sa The Netherlands. Ayon sa report ng PTV4, tinatrabaho na raw ni Attorney Jude Sabio, abogado ni Matobato, ang pagkuha ng political asylum para sa kanyang kliyente. Inihahanda na rin raw nila ang pagsasampa ng kaso sa International Criminal Court laban kay Presidente Duterte sa Enero o Pebrero sa susunod na taon. Sa mga hindi nakaka-alam, ang International Criminal Court o ICC ay naka-base sa The Netherlands.


Si Edgar Matobato ang testigong iniharap ni Senadora Leila De Lima sa senate hearing  patungkol sa mga kaso ng extrajudicial killings sa bansa. Sa testimonya ni Matobato sa harap ng senado, walang kagatol-gatol nitong itinuro si Presidente Duterte na nasa likod daw ng Davao Death Squad. Ngunit, nang isalang na si Matobato sa cross-examination ay tila naging kontra-kontra na ang pahayag niya, rason para kuwestiyonin ng mga senador ang kredibilidad ng nasabing testigo. Hindi rin nakaligtas si Matobato sa social media. Naging tampulan ng tukso si Matobato sa Facebook dahil sa mga mali-mali nitong mga testimonya.


Naglabas naman ng arrest warrant si Judge Silverio Mandalupe laban kay Matobato matapos hindi siputin ni Matobato ang pagdinig ng kanyang kasong illegal possession of firearms and ammunitions.



source

No comments

Powered by Blogger.