BREAKING NEWS: Leila De Lima natatakot 'Baka ako na naman ang isunod kay Mayor Rolando Espinosa'



Dahil sa mga kontrobersiyang kinakaharap ni Senator Leila De Lima, posibleng maging target din aniya ito ng mga nangyayaring patayan sa Pilipinas.

 Sa panayam ng Bombo Radyo Naga sa senadora, sinabi nitong dahil kinokonsidera siya bilang drug trade queen ay baka maging target din aniya siya ng extrajudicial killings sa bansa.

Ngunit nilinaw ng mambabatas na hindi niya hinihinalaan si Presidente Rodrigo Duterte na nag-iisip ito ng masama laban sa kanya.

Posibleng meron aniyang ilang pwersa o elemento sa komunidad ang magsamantala sa sitwasyon ngunit pinapasa-Diyos na lamang niya ito.


No comments

Powered by Blogger.