Watch! Utos ni Pres Duterte - Sampalin Mo Ang Mga Corrupt Sa Gobyerno



" kung may manghingi sa inyo, que se joda Presidente o Vice-Presidente para sa papel mo, p------ i-- sampalin mo! "

Ito ang naging payo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa harap ng FIlipino Community at mga kababayan nating overseas worker sa kanyang state visit sa CHina. Si Pangulong Duterte ay kilala na galit sa korapsyon o red tape sa gobyerno. Kilala rin ang Davao City, ang lungsod na pinamunuan ng Pangulo na kayang makapagbigay ng business permit sa loob lang ng 3 araw.

"Alam mo itong mga gagong ito, di nagta-trabaho oh eh. Kasi kung ta-trabahuin lang nila ang permit, in Davao makakakuha ka ng business permit in 3 days. Electrical clearnace, police clearance, one day, hintayin mo diyan. Mandali lang naman kung tatrabahuin. Ang problema nitong Pilipinas naging kultura na ang korapsyon, na kung gumalaw sila magbayad ka pa. Anywhere. Pag umuwi kayo sa inyo at magdala kayo ng perfume, pagbukas ng imigration pag may lima ka, kunin ang dalawa. Hindi ba?" sabi ni Pangulong Duterte.

Nagbigay din siya ng isa pang payo sa mga ofw, kung sakaling harangin sila ng mga custom officials sa mga airport para kikilan.

" Kaya kung may custom na kukunin ang gamit mo, sabihin mo sa customs "P----- I-- hindi mo propriedad iyan, huwag mong kunin iyan because I will raise hell". Magsisigaw ka, makukuha ng mga media iyan doon at TV. Aabot talaga sa akin iyan, pag umabot sa akin" dagdag pa ni Pangulong Duterte.


source

No comments

Powered by Blogger.