Pinabulaanan ni Senadora Leila De Lima ang naging pagbubunyag ng drug lord na si Jaybee Sebastian sa kamara. Ayon sa senadora, pinilit lang daw si Sebastian na tumestigo laban sa kanya at ginamit ang asawa nito para magsalita.

“Apparently or obviously, Jaybee Sebastian has been pushed to the wall. Apparently and obviously, hindi na niya nakayanan ‘yung pressure. Now that he has finally appeared there at sumama na rin sa mga kasinungalingan na ‘yan, ibig sabihin hindi na niya kinaya yung pressure,” sabi ni De Lima.

Ganito rin ang naging pahayag ni De Lima sa nauna nang tumestigo na si Jonel Sanchez. Si Sanchez ay ang bodyguard ni De Lima na inaakusahang tumatanggap ng drug money para kay Senadora De Lima.

“Tanungin nila si Joenel kung totoo ‘yun. Pero siyempre si Joenel, isa rin yun na na-pressure na rin magtestify so hindi ako magtataka na halimbawa, i-recall si Joenel for the purpose of collaborating or corroborating ‘yang claim na ‘yan ni Jaybee Sebastian,” dagdag ni De Lima.

Sa mga salaysay ng mga tumestigo laban kay De Lima, ikinuwento nila na ginamitan diumano ni De Lima ng drug money ang kampanya niya sa pagka-senadora noong nakaraan eleksyon. Si De Lima ang isa sa mga matataas na tao sa inilabas na Bilibid Drug Matrix ng Pangulong Duterte at dahil raw sa senadora kaya lumaganap ang droga sa Bilibid. Ito rin raw ang nagbigay daan sa mga narco-politicians.




source