Watch! Sen. Lacson, Binanatan Na Ang Bunganga Ni Agot Isidro!

watch-sen-lacson-binanatan-na-ang-bunganga-ni-agot-isidro-main

Matapos paboran ni Senator Panfilo Lacson ang naging komento ni Agot Isidro na puwedeng magutom ang Pilipinas. Sinita naman niya ang pagtawag ni Isidro sa Pangulo na Psychopath o siraulo. Ayon sa senador, ang tanging makakapagsabi kung may sira sa ulo ang isang tao ay isang otorisadong propesyonal, katulad ng mga psychiatrist.

“Alam mo ang mga comment na ganun, siguro dapat pag-aralan ding mabuti. Mayroon bang sufficient basis na para i-describe ang isang tao na psychopath o kailangan ng psychiatrist? Ang makapag-sabi lang noon ay psychiatrist, after proper evaluation. But any person in this country kasi democracy naman tayo, entitiled to their opinion. Pero ako, magde-describe ako ng psychopath o siraulo kung mayroong evaluation conducted on the person by a competent authority” sabi ni Lacson.

Itong mga nagdaan na araw, naging laman ng balita si Isidro dahil sa mga kontrobersiyal nitong Facebook post laban kay Pangulong Duterte. Hindi pinalagpas ng taumbayan ang bunganga ng aktres at sinita ito. Ang ilan ay gumawa pa ng mga mapangutyang memes laban sa aktres.


source

No comments

Powered by Blogger.