Watch! Pulis, Sinagasaan Ang Mga Rallyista Sa Tapat Ng US Embassy!



Isang violent dispersal ang naganap sa tapat ng United States Embassy ngayong araw. Nagpang-abot ang mga pulis at mga aktibista, kung saan 3 aktibista ang nasagasaan ng patrol vehicle ng Philippine National Police. Ginamitan din ng mga pulis ng tear gas ang mga demonstrador. Gumanti naman ang mga rallyista sa pamamagitan ng pagbato ng bote at ng tipak ng mga bato sa mga pulis. Mahigit 30 rallyista naman ang inaresto ng kapulisan dahil sa madugong rally sa tapat ng Embahada ng Estados Unidos.

Kumakalat naman ngayon ang video ng pag-sagasa sa mga rallyista at umaani ng iba't-ibang reaksyon mula sa mga kababayan natin sa social media. Nagbigay naman ng pahayag ang tagapag-salita ng Suara Bangsamoro, isa sa mga grupong sumama sa demonstrasyon.

"We condemn in the strongest possible terms the violent dispersal of the protest here at US Embassy which was led by our fellow Moro and Indigenous Peoples, This protest serves to highlight the imperialist plunder, abuses, and continued domination of the United States in the country " sabi ni Jerome Aba,tagapag-salita ng Suara Bangsamoro.

Ang rally ay pinangunahan ng bagong tayong grupo na SANDUGO, inirereklamo ng mga rallyista ang presensya ng militar at Estados Enidos sa kanilang mga ancestral lands.

Hindi nakaka-tulong ang ganitong demonstrasyon, lalong-lalo na at gumagawa naman ng hakbang ang pamahalaan para magkaroon tayo ng independent foreign policy. Sa mga nakaraang araw, nasaksihan natin ang Pangulo na nagbitaw ng maanghang na salita laban sa US dahil sa pakikialam nito sa internal affairs ng bansa. Pero hind rin tama ang naging reaksyon ng mga pulis sa nangyaring demonstrayon.

Anong opinyon niyo sa nangyaring rally?


source

No comments

Powered by Blogger.