Watch! P. Duterte, Nagsalita Na Tungkol Sa Smoking Ban Sa Bansa!



Matutuwa ang mga non-smokers sa balitang ito, dahil ang smoking ban na mahigpit na ipinatupad sa Davao City ay ipapatupad na rin sa buong bansa. Ayon kay Presidente Duterte, ang mga smokers ang kailangan mag-adjust , hindi ang mga taong hindi naninigarilyo. Magkakaroon raw ng mga designated smoking area para sa mga mahilig mag-yosi at itong mga lugar na ito ay kailangan sa labas ng mga establisimiyento.

"It would be followed [smoking ban] and the implementation will follow the Davao experience. If you want to smoke, find a place where it is allowed. Now I have been always against building a structure inside, just to accommodate the smokers. That ain't the way. It must be out, it must not be in an enclosed cubicle inside the building. That is not good enough. The statistics will show, there's no debate on that." sabi ni Pangulong Duterte.

Ang second-hand smoke o ang usok na galing sa binubuga ng mga naninigarilyo ay malaking sanhi ng kanser sa mga taong hindi nagyo-yosi. Makakatulong ang smoking ba ng husto sa kalusugan ng mga Pilipino, naninigarilyo man o hindi. Malaking tulong rin ito para mabawasan ang air pollution sa ating bansa.

Matagal nang nagkaroon ng kampanya ang gobyerno laban sa paninigarilyo pero hindi ito masyado na naipatupad ng lubusan. Ngayon, gagawin na ang pamamaraan na ipinatupad sa Davao City, inaasahan na madi-displina na ang mga Pilipinong matitigas ang ulo.


source

No comments

Powered by Blogger.