Watch! Mga Rallyistang Nanggulo Sa US Embassy, Pakana Ng Dilaw?



Sa kaguluhang nangyari sa tapat ng embahada ng Estado Unidos sa pagitan ng pulis at ng rallyista, hati ang opinyon ng sambayanan ngayon sa social media. May mga sinisisi ang mga pulis sa nangyaring karahansan, ang iba naman ay sinisisi ang mga demonstrador dahil sila raw ang nagsimula ng kaguluhan.

Mayroon din naman ilang kababayan natin na itinuturo ang mga dilaw. Sinasabi ng ilan na binayaran lang raw ng mga dilaw ang mga aktibista para manggulo sa bansa, habang si Pangulong Duterte ay nasa China para sa isang State visit. Ginawa raw ito ng dilaw para pagmukhaing masama ang Pangulo. Ang dilaw ay ang kulay ng Liberal Party nila Senador Leila De Lima at ng Aquino Administration. Sila raw ang dapat sisihin sa nangyaring magulong dispersal sa embahada ng Amerika.

Ang hirap paniwalaan na ang dilaw nga ang may pakana ng kaguluhan, pero ang kapansin-pansin sa nangyari ay ang motibo ng grupong naglunsad ng rally sa tapat ng US embassy. Alam naman ng sambayanan ang posisyon ni President Duterte kaugnay sa Amerika. Ilan beses na nga binanatan ni Pangulong Duterte ang mga Amerikano.

Humantong pa nga ito sa pagbabanta ng presidente na ihinto na nang tuluyan ang mga military exercises sa bansa. Binabago na rin ni Pangulong Duterte ang foreign policy ng Pilipinas para hindi na masyadong umasa sa Amerika. Kaya kapuna-puna kung bakit kailangan pa maglunsad ng rally. Hindi ba puwedeng hintayin na lang ang kahihinatnan ng mga ginagawa ng Duterte Administration?

Ito ang reaksyon ng ilan nating mga kababayan.





source

No comments

Powered by Blogger.