Watch! Mga Rallyistang Nanggulo Sa US Embassy, Walang Permit To Rally!



"Anong nangyari ngayon? Nagka-gulo. Sinong may kasalanan niyan? Sila Mismo. Unang-una wala sila sa lugar at wala silang permiso para mag-rally."

Ito ang naging pahayag ng Opisyal ng Philippine National Police na si Officer Pedroso matapos ang nangyaring rally sa tapat ng emabahada ng Estados Unidos. Giit ni Pedroso, wala permit to rally ang mga demonstrador. Dagdag pa ng PNP Official, nakaka-abala na ang mga demonstradorsa sa publiko kaya hinimok nila ang mga ito na tapusin ang programa pero ayaw raw sumunod.

"Noong humupa ang pagu-usap nila, nag-conduct sila ng program. Sinabi namin sa kanila, king puwede tapusin na nila ang program dahil nakaka-istorbo na sila ng ating mga kababayan. Marami ng nata-trapik, marami ng nai-istorbo. So, bukod sa wala po silang permiso na mag-rally. Ayaw po nilang umalis, ayaw po nilang lisanin itong US Embassy. Tine-threaten pa nila ang kapulisan natin, kaya wala na po kaming magawa kundi itulak ho sila.

Noong tinutulak po sila, namalo ho sila ng mga pulis natin. Binasag po nila ang mobile car namin. So ginawa po ng driver, sumakay po siya para alisin po ang mobile car namin. Anong ginawa nila? Kinuyog pa nila lalo." sabi ni Officer Pedroso

Sa panayam naman kay Police Officer 3 Franklin Kho na nagmaneho ng partol car ng PNP na nakasagasa sa 3 rallyista. Naging bayolente na raw ang mga rallyista at gusto raw itaob ang patrol car kaya napilitan itong sumakay sa kanilang patrol car.

"Kami naman ang sasagasaan nila kung nakuha nila ito (patrol car). Maraming madidisgrasya, tignan niyo ang ginawa nila. Tina-try nilang agawin ang sasakyan, tinataob pa nga di ba? Hindi niyo nakita pinipilit nilang itaob. Siyempre nagpanic na kami, tignan mo itataob na ang sasakyan. Pag naagaw nila ito, delikado na, masasagssaan ang mga pulis na nasa unahan, pero wala naman kaming intensyon na gawin talaga iyon" sabi ni PO3 Franklin Kho.

Anong masasabi niyo sa nangyari? May kasalanan din ba ang mga rallyista?


source

No comments

Powered by Blogger.