Watch! Mark Anthony Fernandez, Nagsalita Na Tungkol Sa Pagkakasangkot Niya Sa Droga! Droga Pangontra Cancer Daw!



Nagbigay na nang pahayag ang aktor na si Mark Anthony Fernandez ukol sa pagkakahuli sa kanya. Ayon sa aktor, nagsimula uli siyang gumamit ng droga nang mamatay ang kanyang ama na si Rudy Fernandez sa cancer noong 2008. Sabi ni Fernandez, gumagamit daw siya ng droga para hindi dapuan ng sakit.

"Alam ko po nali-legalize na siya sa halos buong mundo na ata. Tapos for medical purposes siya, lalo na po nung lumabas yung mga sigarilyong may picture, natatakot ako magka-cancer dahil nagka-cancer po ang tatay ko. Ginagamit ko po ito para pangontra-cancer. Mayroon po akong rayuma bata pa lang po ako at nagyo-yosi rin po ako dati. Binabawasan ko rin po ang sigarilyo, yun po ang ginagawa kong pamalit " sabi ni Fernandez.

Base sa panayam kay C/Insp. Francisco Guevarra Jr. ng Station 6 ng PNP Pampanga, paparahin lang dapat si Feranadez sa isang check point sa Pampanga, nang mapansin ng mga otoridad ang kahina-hinalang bagay sa tabi ng passenger seat sa kotse ng aktor. DIto na natuklasan ang isang kilong marijuana sa kotse ng aktor.

"Yung isang tahunan natin, visual check lang siya. So, nakita niya mismo yung marijuana, kasi malaki eh. Nandoon sa kotse niya, sa may passenger seat." sabi ni Geuverra.

Sa kaugnay na balita, nag negatibo si Fernandez sa shabu, ngunit nagpositibo ito sa marijuana.


source

No comments

Powered by Blogger.