Watch! Maraming Nagawa Ang Administrasyon Ni Duterte, Sabi Ni Senator Gordon



"After 100 days maraming nagawa ito (Duterte Administration), kaysa sa mga nakaraang administrasyon. Yung nga lang ang duda lang ay yung mga namamatay."

Ito ang naging pahayag ni Senador Dick Gordon nang ikumpara niya ang gobyerno ni Pangulong Duterte sa mga nakaraang mga administrasyon. Nasabi niya ito sa isang ambush interview kani-kanina lang. Ayon sa senador kailangan pa rin raw aksyunan ng kapulisan ang mga kaso ng extra-judicial killings sa bansa.

"Yung nga sinasabi ko eh di ba. Killing is killing. Tignan niyo yung Facebook ko, consistent iyang sinasabi ko. Do not kill the people, kill drugs. Because ayaw ko talaga iyan. Eh Against nga ako sa death penalty eh. So, ang sinasabi ko gusto kong ituloy yan, para ma-solve iyan. C'mon people, alam naman natin di ba!? Riding-in-tandem, ang dami-dami nang napatay, cool lang tayo, wala tayong sinasabi" sabi ni Senator Gordon.

Naglabas din ng saloobin ang senador nang tanungin siya patungkol sa nangyari kahapon sa senate hearing.

"Why should I apologize? Si Matobato puwede kong patawarin kung nag-sinungaling, pero ikaw may hawak, may notes ka pala eh. Nakita niyo naman ang demeanor eh, you judge the witness by the demeanor. Nung lumabas iyon, ang sabi ni De Lima, "ay mayroon pala akong notes, ay sorry na over-looked ko".

Ang sabi ko nga oversight lang iyon. Galit na nga si senator Lacson eh, "terminate na natin ito", No,no, oversight lang iyan. Kailan pumutok? Nung sumibat na si Matobato. Sumibat dahil mabubuking na " sagot ni Gordon.


source

No comments

Powered by Blogger.