WATCH: Host of toprating TV show included in new PNP drug watchlist-General Ronald ‘Bato’ Dela Rosa

bato1

Nagsumite ng 54 pangalan ng celebrities ang Philippine National Police (PNP), sa pamumuno ni PNP Chief Director General Ronald ‘Bato’ Dela Rosa, kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa ulat ng GMA News online, sinabi ni Gen. dela Rosa na nakalap nila ang mga pangalan ng celebrities na ito mula sa pag-iimbestiga sa mga nahuli nilang drug suppliers.

Saad niya, “Yung listahan na nai-submit [kay President Duterte] is 54.

“Ang basis nito, yung mga celebrities na nahuli natin, yung mga celebrity suppliers na sila yung pinagbebentahan nila.

“Sila yung mga customer. Nakuha natin yung mga pangalan doon at umabot sa 54.”

Nitong mga nakaraang buwan ay nahuli ang celebrities na sina Sabrina M, Krista Miller, Karen Bordador, at Mark Anthony Fernandez kaugnay ng ipinagbabawal na gamot.

Ang listahan daw na ito ay iba pa sa nauna nang naibigay ng PNP chief sa Malacanang.

Ayon pa sa ulat, sinabi rin ni General Ronald ‘Bato’ Dela Rosa na bukod sa isang host ng isang toprating show, kasama rin sa listahan ang ilan pang TV at radio personalities, pero wala umanong broadcast journalist.

Ang pagsasapubliko raw ng mga pangalan na ito ay nakadepende sa desisyon ni Pangulong Duterte.

“It’s being kept confidential. Up to President Duterte kung ilalabas or not.

“Pero ang sa amin is, this list came about from different information gathering.”


source

No comments

Powered by Blogger.