Watch! Gordon At De Lima, Nagka-Initan! Senadora Nag Walk-Out Na Naman!

watch-gordon-at-de-lima-nagka-initan-senadora-nag-walk-out-na-naman-main

Nag walk-out na naman si Senadora Leila De Lima, matapos makipag-sagutan kay Senator Dick Gordon, na chairman ng committee na dumidinig sa mga kaso ng extra-judicial killings sa bansa. Nag-ugat ang argumentuhan ng dalawa nang biglaang umalis si Edgar Matobato, na dapat ay sasalang na sa pagtatanong ng mga senador.

Lalong lumala ang tensyon ng dalawa nang sabihin ni Gordon, na hindi nabanggit ni De Lima ang kidnapping case ni Matobato. Dito na tumayo ang senadora at nag-salita para depensahan ang sarili.
“It pains me to be accused of material concealment, I am walking out, I’m sorry.” sabi ni De Lima.
Hindi lang si Gordon ang naiinis sa insidente, pati si Senator Ping Lacson ay tila nabuwisit na rin sa mga nangyayari sa senado. Sa tingin ni Lacson ay parang napaglalaruan lang ang senado.

“I would like to believe, although I hate to admit this, that we were all taken of a ride by Mr. Matobato. And it’s so frustrating that after all, we’re not smarter than the first grader,”

Sa totoo lang umaalma na ang taong bayan sa hearing sa senado. Mula sa pakontra-kontra testimonya ni Matobato, hanggang sa pagkaka-sira ng imahe ng Pilipinas sa International Community. Makikita ang rason kung bakit gusto nang ipahinto ng taong bayan ang isinasagawang hearing.


source

No comments

Powered by Blogger.