Watch! Gasgas Na Si Trillanes, Sabi ni Senator Gordon!



"Tanungin ko nga kayo. Sa 13 oras na nag hearing kami kahapon. ilan beses niyo nakikita si Trillanes na nagbababad doon? Ito lang ang sasabihin ko, lahat ng tao, ultimo si General Dela Rosa, at lahat ng kapulisan, at lahat ng mga senador, naghintay from 9 o'clock hanggang gabi.

Kailan siya lumabas? Noong naka-recess kami, tatawagin na siya. Aba ay pinauwi na (Matobato), tapos dadating siya magpapa-guwapo na naman. C'mon luma na iyan, gasgas na si Trillanes"

Iyan ang mainit na pahayag ni Senator Dick Gordon laban kay Antonio Trillanes. Matatandaang nagkaroon ng isyu kagabi sa senado, nang pauwiin ni Trillanes si Edgar Matobato noong ito ay isasalang na para kunan ng testimonya sa senate hearing. Security reason ang idinahilan ni Trillanes sa senado kaya niya raw ito pinauwi na. Nagulat ang karamihan ng sabihan pa ng bias ni Trillanes si Gordon. Dumating pa sa puntong nag walk-out si De Lima dahil inakusahan ito ni Senator Gordon ng material concealment.

Hiniling naman nila Senator Lacson, Cayetano at Pacquiao na itigil na ang senate investigation, ngunit, ipinagpaliban lang ito ni Senator Gordon. Ayon kay Gordon, gusto niya na raw kasi tuldukan ang mga isyu ng extra-judicial killings kaya gusto niya ito matapos ng maayos.


source

No comments

Powered by Blogger.