Watch! De Lima, Tinawag Na Tapang-Tapangan lang Si Duterte?



Bumanat na naman si senadora Leila De Lima kay Pangulong Duterte. Ayon sa senadora, biglang bawi raw ang Duterte Administration nang magsalita na ang International Criminal Court. Kamakailan lang ay nagbigay ng banta ang ICC sa Pilipinas patungkol daw sa mga kaso ng extra-judicial killings sa bansa. Kaya ginamit ito nang senadora para maka-puntos sa Pangulo.

"So, ngayon iba na ang kaniyang sinasabi. Akala ko ba the buck stops with him? Akala ko ba siya ang solely responsible for that? In fact, magbibigay pa siya ng pardon sa mga policemen who may be charge." sabi ni De Lima.

Ang senadora ang nagpasimuno ng imbestigasyon ng extra-judicial killings sa senado, hanggang sa napalitan siya ni Senador DIck Gordon sa pagiging Chairman ng justice committee. Siya rin ang nag-imbita kay Edgar Matobato na tumestigo laban sa Pangulo, para madiin ang Presidente sa EJK sa Davao City. Ngunit, nakitaan ng sari-saring kontradiksyon si Matobato kaya minabuti ng ilang senador na ihinto na ang ginagawang pagdinig sa senado.

Si De Lima ay nahaharap sa sari-saring alegasyon tungkol sa paglaganap ng droga sa New Biliibid Prison. Sa isinagawang pagdinig sa kongreso patungkol sa isyu ng droga sa piitan. Halos lahat ng tumestigo doon ay siya ang itinuturo, mula sa mga bilanggo hanggang sa ilang dating opisyal ng bilangguan. Nabanggit din sa hearing na pinondohan daw ni De Lima ang kanyang kandidatura sa pagka-senadora ng drug money at ang driver/lover niyang si Ronnie Dayan ang nagsilbing bagman nito.


source

No comments

Powered by Blogger.