Watch! De Lima, Lalong LUMUBOG Sa PASABOG Ni Jaybee Sebastian!

watch-de-lima-lalong-nadiin-sa-ibinunyag-ni-jaybee-sebastian-main

Lalong lumubog sa kumunoy si Senadora Leila De Lima dahil sa naging salaysay ng drug lord na si Jaybee Sebastian sa isinagawang congressional hearing ngayong araw. Ayon kay Sebastian, ang bodyguard raw ni De Lima na si Jonel Sanchez ang ugnayan nila ng senadora. Nagbigay umano siya ng 2 milyon kay De Lima sa pamamagitan ni Sanchez. Inamin din niya na pinaglikom siya ng pera para sa kampanya ni De Lima.

“Ilang araw bago mag pasko , ako ay nagbigay ay Jonel (Sanchez) ng 2 milyon sa opisina ko mismo at saksi po dito ang kapwa ko bilanggo na si Katapang. Kinabukasan, tumawag sa akin si Jonel, at sinabi niya na, “Pare, may kakausap sa iyo, naka loud speaker ka”. May narinig ako sa kabilang linya na boses ng babae, na ka-boses ni Secretary De Lima. Sinabi niya sa akin na, “Jaybee, Merry Christmas”, at sumagot naman ako na, “Merry Christmas din po Ma’m! Natanggap niyo po ba ang regalo ko sa inyo?”, at sumagot naman si secretary. “Yes Jaybee! Merry Christmas!””

Ibinunyag din niya na ang karamihan sa mga nagkakalakal ng droga sa Bilibid ay mga Chinese Nationals. Isiniwalat niya rin ang alitan nila ng drug lord na si Herbert Colanggo. Base sa salaysay ni Sebastian, mas makapangyarihan daw si Colanggo kaysa sa kanya.

Kung susuriin, parehas na dinedepensahan nila Jaybee Sebatian at Herbert Colanggo ang kanilang mga sarili at nagbabatuhan ang mga ito ng akusasyon sa isa’t-isa. Pero, isa ang pinaka-importanteng dapat  mapansin ng lahat, si De Lima ang tinutumbok ng kanilang mga pagbubulgar.



source

No comments

Powered by Blogger.