WATCH: 1 Pulis Davao Na Umanoy Sangkot Sa DDS, Kinasabwat Ni De Lima at pinilit ni De Lima na tumestigo






Ibinunyag ni SPO3 Enrique Ayao na kasabwat siya noon ni Senadora Leila de Lima para tumestigo laban kay Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng umano'y Davao Death Squad (DDS).

Sa cross examination sa kaniya ni Senator Alan Peter Cayetano sa resumption ng Senate hearing, isinawalat ni Ayao na personal niyang nakausap si De Lima noong chairman pa ito ng Commission on human Rights (CHR) at pinilit siyang tumestigo laban sa pangulo kapalit ng muli niyang pagbabalik sa serbisyo.

Giit ni Ayao, kinausap siya ng isang staff ni De Lima, na tatrabuhuhin ang kaniyang nakabinbing kaso sa National Police Commission (NAPOLCOM) kapag tumestigo ito kaugnay ng umanoy extrajudicial killings sa Davao. 

Pero tumanggi umano ang PO3 sa alok na ito ng senadora.

source


No comments

Powered by Blogger.