PLANO KONG WAKASAN ANG PANGINGIBANG-BANSA NG MGA OFW – PRES DUTERTE



OFW bank. Ayon umano kay Pangulong Duterte, inihayag niya sa harap ng mga Filipino sa Japan na wakasan na ang pangingibang bansa ng mga Filipino para magtrabaho sa ibang bansa.

Sisikapin ng Pangulo na pagandahin ang ekonomiya ng Pilipinas upang dito nalang magtrabo ang mga Pinoy at hindi na mangibang bansa. “Ang pagtrabaho niyo sa ibang bansa, hanggang diyan nalang, next generation, sa Pilipinas na magrabaho,” saad ni Duterte.

“We have to improve the economy na hindi ka na babalik dito, na kung bumalik ka rito, baka bakasyon na lang. sabi ni Duterte.

Bago umalis ang pangulo ay sinabi nitong nais ng kanyang administrasyon na mapahusay at mapaganda ang ugnayan ng Pilipinas at ng bansang Japan.

“I look forward to meeting business leaders in Japan. I will tell them clearly that the Philippines is open for business,” saad ni Duterte.

Kasama sa plano ng Pangulo na magtayo ng banko para sa mga OFW.

“I’m thinking really seriously now na magkaroon kayo ng sariling bangko ninyo,”

“Maybe iyong postal bank ng gobyerno. Wala namang sumusulat ngayon,”

Ayon kay labor Secretary Silvestre Bello, isinaad niya na plano nilang gamitin ang 20 bilyon na pondo ng OFW upang magpatayo ng sariling banko ang mga OFW at tatawagin itong OFW Bank.

source

No comments

Powered by Blogger.