Must Watch! Mga Filipino Fishermen, Hindi Na Hinaharang Ng Mga Tsino Sa Scarborough Shoal!








Nakabalik na ang mga mangingisdang Pinoy sa Scarborough Shoal aka Panatag Shoal na hindi hinaharang ng mga Chinese Coast Guards. Ayon sa pinakahuling ulat ng ABS-CBN News, sinaway daw noong Lunes ang mga kababayan nating mangingisda pero nang dumating ang  Martes ay hindi na sila hinarang ng mga Chinese Coast Guards.

Ayon naman kay Aniceto Achina, isang mangingisda sa Zamabales, nakatanggap sila ng balita na hindi na daw hinaharang ang mga Pilipinong mangingisda sa Scarborough Shoal.

Matatandaang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na maghintay-hintay lang at makakabalik na rin ang mga kababayan nating mangingisda sa Scarborough Shoal.

“We’ll just wait for a few more days. We may be able to return to the Scarborough Shoal and our countrymen may be able to fish there again,” sabi ni President Duterte.

Anong masasabi mo sa pinakabagong kaganapan na ito?


source

No comments

Powered by Blogger.