Must Watch! Mayor Na Sangkot Sa Droga, Napatay Ng Mga Otoridad!








Patay ang Mayor na nasa narco-list ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos makipagpalitan ng putok sa mga kapulisan kaninang madaling araw sa Makilala, North Cotabto. Ayon sa ulat ng GMA News, napatay ng mga otoridad si Mayor Samsudin Dimaukom at ang 9 niyang kasama ng lumalaban ang mga ito sa mga pulis na nakatalaga sa isang checkpoint.

Nakatanggap ang kapulisan ng intelligence report na magdadala diumano ang grupo ni Mayor Dimaukom ng mga ipinagbabawal na gamot sa Maguindanao at Cotabato. Matatandaang sumuko na si Mayor Dimaukom at ang kanyang asawa sa Philippine National Police noong Agosto matapos mapabilang sa narco-list ni Presidente Duterte. Sumuko raw sila para linisin ang pangalan ng kanyang pamilya at handa raw silang makipagtukungan sa gobyerno.

Sabi ng mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte, puro smaill-time lang daw ang nasasampolan sa war on drugs ng Duterte Administration. Ano kaya ang magiging bago nilang reklamo sa pagkakapatay sa isa sa mga politikong nasa narco-list ni Pangulong Duterte?


source

No comments

Powered by Blogger.