MUST READ! “Madaldal si Duterte pero hindi magnanakaw” – News Anchor JAKE MADERAZO








BASTOS, hindi statesman, parang Hitler, mass murderer, human rights violator at iba pang kritisismo ang i-binabato kay President Rodrigo Duterte. Pero isang matinding pagbabago ang nararamdaman ng mamamayan: mas matahimik at maayos na pamumuhay. Totoo, higit 3,000 na ang patay na drug suspects, tig-kalahati sa police operations at summary killings. Totoo rin na higit 23,000 pushers ang naaresto, 700,000 ang sumuko at higit 1.4 milyon bahay ng mga drug personalities ang nabisita.

Totoo rin na maaring umabot sa 3.5 hanggang 4 milyon ang mga drug addict at users sa bansa.

Nakaririmarim, madugo, marahas pero ito ang kapalit ng tunay na pagbabago. Bumagsak ng 50 porsiyento ang index crimes, ito po ang mga insidente ng holdap, akyat bahay, rape, snatching, physical injuries, carnapping at iba pang krimen na bumibiktima sa simpleng mamamayan. Maliwanag ngayon na ang malaganap na kriminalidad ay konektado sa pagdami ng drug addict.

Sa Metro Manila, merong 49,000 drug addicts na karamihan ay sangkot sa mga araw-araw na krimen. Mga taong hindi maaresto dahil protektado pala ng amo nilang “ninja cops”na ginagamit silang mga “drug agents”.

Ngayong hinahanting sila ng PNP, tinutumba na ang mga “runner” na pedicab driver, o mga small time pusher para hindi sila maituro.

Kung noon ay mamamayan ang takot na takot, ang mga drug addict, pusher at narco-cops naman ang nagtatago ngayon.

Maski mga pulis ngayon, hindi na pwedeng magloko dahil hindi sila “exemp-ted” sa parusa.

May 11,000 na pulis daw ang sangkot kasama ang mga police generals, colonels samantalang may tig-P2 milyong reward money para mahuli o mapatay ang mga “narco-cops”.

Kadalasan, dinadala sila sa Mindanao kung saan doon din itinutumba. Sa mga barangay, wala na halos istambay na nakahubad at nag-iinuman sa mga kalye, o kaya’y kumakanta ng karaoke sa magdamag. May curfew ang mga bata at ang mga opisyal at kagawad ay nagkaroon bigla ng dagdag na poder para maglingkod sa kanilang lugar.

Pwede nang magreklamo ang tao nang walang takot. Sa pambansang sitwasyon, Abu Sayyaf na lang ang nanggugulo pero tila takot na rin dahil pinawawalan na rin ang mga hostages sa gitna ng all out war sa Sulu at Basilan.

‘Yung nagpasabog na Maute terrorist group sa Davao City night market, nahuli din ng AFP.

Tahimik na rin ang CPP-NPA, MILF at MNLF. Sa isyu ng graft and corruption, takot na takot ngayon ang mga opisyal at empleyado ng gobyerno lalo’t merong 911 at 8888 kung saan pwedeng magreklamo ang mamamayan. Galit na galit si Digong kapag nakakakita ng “pila” ng mga tao sa mga tanggapan ng gobyerno lalot mabagal o walang aksyon. Ang bilyun-bilyong pisong pondo ng PAGCOR at PCSO ibinigay niya lahat sa pagpapaospital sa mga mahihirap na mamamayan.

Bukod diyan, ang higit 10,000 stranded na mga Pilipinong OFW na hindi pinapasweldo sa Saudi Arabia ay binayaran at napauwi na sa bansa at pababalikin para muling makapagtrabaho.

Napakaraming pagbabago sa airport, DENR, Customs, DOH at pati privatization ng mga government hospitals, itinigil na rin.

Dito lamang pumalpak si Duterte kay DOTr sec. Art Tugade dahil sa walang pagbabagong traffic at ang patuloy na masamang serbisyo ng MRT3.

Sa kabuuan, napakaraming pagbabago sa nakaraang 100 days. Oo, madumi ang bunganga ni Duterte, pero hindi siya magnanakaw!

source

No comments

Powered by Blogger.