MAR ROXAS: LAHAT NG MGA EXTRA-JUDICIAL NA GAWAING ITO, ANG TALAGANG MAAPEKTUHAN AY YUNG MGA MAHIHIRAP.



Ayon kay Roxas, nakakabahala na ang mga nagaganap ngayong extra-judicial killings, tanging ang mga maralita ang apektado at hindi ang mga mayayaman na kayang magbayad para daw sa kanilang proteksyon.

"Lahat ng mga extra-judicial na gawaing ito, ang talagang maapektuhan nito ay 'yung mga mahihirap. Kasi ang mayayaman, makakabili ng baril, makaka-hire ng security guards, makakakuha ng resbak, may abogado. May access 'yung mayayaman sa ibang tulong." Pahayag umano ni Mar Roxas sa kanyang interview sa ABS-CBN.

Laman ng mga balita sa kasalukuyan ang sunod-sunod na pagkakapatay sa mga diumano'y hinihinalang sangkot sa pagbebenta ng iligal na droga sa iba't ibang panig ng bansa.

Matatandaan na sa simula pa lamang ng kampanya ni President Duterte, mariin na nitong isinusulong ang pagsugpo sa krimen at problema sa droga. Tahasan ring sinasabi ni Digong na papatayin niya ang mga mapapatunayan sa mahuhuling Drug lords kung kinakailangan.

source

No comments

Powered by Blogger.