LTO officials noong panahon ng yumaong si Virgie Torres, pinaimbestigahan ng COA dahil sa P740M na ibinayad sa supplier ng lisensya

drivers-license-2

Hiniling ng Commission on Audit (COA) sa Office of the Ombudsman na imbestigahan ang mga dating opisyal ng Land Transportation Office (LTO) sa ilalim ng pamumuno ng yumaong si dating Assistant Secretary Virginia Torres.

Ito ay matapos matuklasan ng COA ang pagbabayad ng LTO ng P740 million sa supplier drivers’ licenses.

Sa anim na pahinang desisyon ni COA chairman Michael Aguinaldo at Commissioners Jose Fabia at Isabel Agito pinagtibay ang naunang findings ng state auditors noong 2013 na walang legal na basehan para magpatuloy ang Amalgamated Motors Philippines Inc. (AMPI) sa pagsuplay ng driver’s license cards sa LTO dahil napaso na ang kontrata nito noon pang 2006.

Natuklasan ng COA na kahit paso na ang kontrata, nagbayad pa rin ang LTO sa AMPI ng P500.904 million para sa license cards na naideliver noong 2012 at P239.105 million para naman sa mga lisensya na naideliver noong January hanggang June 2013.

Ayon sa COA, ang kontrata sa pagitan ng LTO at AMPI para sa produksyon ng tamper-proof drivers’ licenses ay hindi na narenew mula 2006 dahil nabigo ang LTO na magsagawa ng public bidding.

Kabilang sa mga pina-iimbesitigahan ng COA ay si Torres, bagaman yumao na nga ito, sina dating License Section chief Judith Campos, Accounting Section chief Asuncion Maningas, Finance and Management Division chief Irenea Nueva, Budget Section chief Ada Valdez, Administrative Division chief Maribel Salazar, accountants Pernafrancia Dizon at Sheila Rodriguez, at ang AMPI.

Ayon sa COA, ang patuloy nap ag-suplay ng AMPI ng lisensya sa LTO ay paglabag sa supplemental agreement na nilagdaan taong 2000 na nag-oobliga na dapat mailipat na ang mga mga technology at equipment sa pamamagitan ng bagong built-operate-and transfer (BOT) scheme.

Sa ilalim din ng kontrata, inaataasan ang AMPI na pagandahin at ayusin ang lahat ng licensing offices sa pamamagitan ng paglalagay ng air conditioning units at at iba pang bagong gamit kung saan gagastos sila ng P130 million.

source

No comments

Powered by Blogger.