Look! War On Drugs Ni P. Duterte Tumabo Ng EXCELLENT Rating! Mga Kritiko Iyakin Pa rin!

look-war-on-drugs-ni-p-duterte-tumabo-ng-excellent-rating-mga-kritiko-iyakin-pa-rin-main

Hindi na talaga pahihinto ang giyera kontra-droga ng Duterte Aministration. Sa isinagawang Social Weather Station (SWS) Survey noong Sept. 24 hanggang 27, lumitaw na ang karamihan sa mga Pilipino ay nasisiyahan sa kampanya ng gobyerno laban sa iligal na gamot. Sa katunayan, “EXCELLENT” ang rating na natanggap ng Pamahalaan.

Sa naging resulta ng survey, makikita natin na hindi na nabibilog ng ilang mainstream media ang karamihan sa mga Pilipino. Dahil sa mahigit tatlong buwan ng mga operasyon kontra-droga, sari-saring mga black propaganda ang ipinalalabas ng ilang media groups sa bansa, na halatang anti-Duterte. Pero hindi ito kinagat ng mga Pilipinong sawang-sawa na sa mga krimen na may kaugnayan sa droga.

Sa war on drugs ng Duterte Administration, nakapag-pasuko na ng mahigit 700,000 na drug pushers at users. Lagpas isang libo naman ang napapatay sa mga ginagawang police operations. Ang mga napapatay ay ang mga nanlaban na mga durugista. Ikinakasa naman ang mga malalaking drug rehabilatation centers para sa mga libo-libong durugistang sumuko sa otoridad.

Sa kabila ng lahat ng ito, nguma-ngawa pa rin ang mga kritiko ni Pagulong Duterte. Ang karamihan sa mga ito ay mga mapagkunwaring human rights advocates at mga taga-suporta ng isang talunan na Presidential candidate noong nakaraang eleksyon. Pero ang magandang balita ay kakaramput lang ang mga ito at maiingay lang sila sa social media.



source

No comments

Powered by Blogger.