Look! Trillanes, Tinawag Na "SUNDALONG KANIN" ni Senator Gordon!



"Natatawa ako, gustong mag-abogado nitong na-train nating sundalong kanin eh"

Ito ang naging malutong na deskripsyon ni Senator Dick Gordon kay Senator Trillanes nang makapanayam siya ng mga reporters ngayong araw. Pero, humingi agad ng paumanhin si Gordon sa kanyang nasabi at ipinaliwanag kung pano dapat mag prisenta ng ebidensya at testigo.

"I'm sorry I take that back. Pati ako nadadamay na rin sa ganyan. Alam ninyo, alam niyo kung gusto niyong mag abogado. You don't say,"[inaudible], maniwala ka na, iyan ang mangyayari",.hindi... You did not prove anything. He believes on what he wants to believe. He believes on his own reality. You can not do that." sabi ni Gordon.

Ayon sa senador, matanda na siya at hindi niya na kailangan magpa-bida. Wala rin raw siyang ambisyon kundi magsilbi sa bayan.

"I'm already 71 years old. I have no ambition, except to serve my country. I have done that all my life. I'm sorry, I'm not after the headline. Maybe Trillanes is, go ahead, have his headline, be fooled by him." dagdag pa ni Gordon.

Matatandaang nagkainitan sa senado sila Senator Gordon, Trillanes at Leila De Lima, dahil hindi agad ipinagbigay alam ni Trillanes ang pag-alis sa senate building ng star witness nilang si Edgar Matobato. Naungkat din ang material concealment sa parte ni De Lima. Humantong pa ang girian ng tatlong senador sa pagwo walk-out ni De Lima.

source

No comments

Powered by Blogger.