LOOK! ROBIN PADILLA SA KAPWA DUTERTE SUPPORTERS: WALA NA KAYO SA LUGAR!!!



Hindi napigilan ng beteranong actor na si Robin Padilla na hamunin ang kanyang mga bashers na kapwa niya Duterte supporters. Ito ay dahil sa kanyang interview kasama ang iba pang artista kaugnay sa isyung cyberbullying at sa isyung kinasangkutan ni Agot Isidro kamakailan kung saan tinawag niyang 'psychopath' si Pangulong Rodrigo Duterte.

Nagbigay ng reaksiyon si Robin tungkol sa cyberbullying at sa pamba-bash kay Agot ng mga Duterte supporters.

Sa comments sections, maraming negatibong reaksiyon ang nagmula sa ilang Duterte supporters sa nasabing interview.

Narito ang ilang mga comments:



Si Robin naman ay hindi napigilang buweltahan at hamunin ang kanyang mga kritiko.

"Yan ang hirap sa mga kasama sa Duterte Team, pati kasama ninyo binabanatan ninyo. Tsk, tsk.

“Pakibasa nga mabuti at panoorin niyo mabuti ang sinabi ko bago niyo ako banatan.”

“Kung talagang matapang kayo dito niyo ako sitahin at tawaging gago!!! Wala na kayo sa lugar!!! Mag aantay ako!!!”



May mga netizen namang nagtanggol kay Robin at nilinaw na wala itong sinabing masama laban kay Duterte.

Narito ang pahayag ni Robin sa interview:

“Ganun talaga, kapag wala ka sa oras na nakaupo yung iyo, e, talagang mababakbakan ka.

“Sabi nga ni Mayor mismo, siya na mismo nagsabi, that is our right then he will protect our right.

“Ang dami dami nang problema ng bansa kasi na dapat nating hinaharap. Wag na tayong mag-away-away.”

Narito ang ilang nagtanggol kay Robin:



source

No comments

Powered by Blogger.