Look! Reporter Ng Inquirer, Kinompronta Ni Gordon? Alamin Kung Bakit!



“Why do you keep saying I’m an ally of Duterte? Am I PDP-Laban (Partido Demokratiko Pilipino- Lakas ng Bayan)? Am I? Am I?”

Ito ang naging tanong ni Senator Dick Gordon sa isang reporter nang magkaharap sila. Ayon sa GMA News, sa isang artikulo ng reporter, inilarawan ng mamamahayag si Gordon na "a known Duterte ally". Giit ni Gordon, isa siyang independiyenteng senador. Patunay daw nito ay ang pagkastigo niya kay President Rodrigo Duterte sa isang senate hearing.

Sa paghahanap sa Google, sa pamamagitan ng pagamit ng mga keywords na "Gordon, a known Duterte ally", natuklasan namin ang aritkulo na may pamagat na " Senate panel set to clear Duterte on extrajudicial killings" na isinulat ni Tarra Quismondo ng Inquirer.

Hindi naman masamang maging ka-alyado ng Pangulong Duterte, pero naiintindihan ko kung saan nanggagaling si Senador Gordon. Sa titulong ginamit ng reporter sa kanyang artikulo at sa paglalarawan niya kay Gordon, nagmumukhang bias ang senador.

Si Gordon ang pumalit na chairman ng senate justice committee nang tanggalin si Senadora Leila De Lima. Kamakailan lang ay napag-desisyunan ng komite na ihinto na ang pagdinig sa extra-judicial killings na sinimulan ni De Lima.

Sa tingin niyo? Tama ba ang ginawa ni Senador Gordon sa reporter?

source

No comments

Powered by Blogger.