LOOK! Ping Lacson: Alamin Kung Sino Ang Nasa Likod Ng International Demolition Job Laban Kay President Duterte!



"Whether or not it is organized( international demolition job) and has something to do with local politics, the President’s men should immediately find out if they want this administration to last six years"

Ito ang payo ni Senador Panfilo Lacson sa mga tauhan at mga ka-alyado ni Pangulong Duterte. Sa isang panayam sa senador, sinabi niyang may mga rason para paniwalaang may mga grupong pilit kinukuha ang atensyon ng mga foreign human rights groups para idiin ang Duterte Administration sa pagkamatay ng mga drug personalities sa bansa.

Binalaan din ni Lacson ang mga tauhan ni Pangulong Duterte na pagtuunan ito ng pansin sa lalong madaling panahon. Dahil nakasalalay raw dito ang ikatatagal ng Duterte Administration. “If they are not doing anything along this line, they deserve whatever fate would befall on them,” sabi ng senador. Kamakailan lang, nagbanta ang Chief Prosecutor ng International Criminal Court na si Fatou Bensouda sa pamahalaan ng Pilipinas tungkol sa pagkamatay ng mga durugista sa bansa.

Maraming nakapansin sa timing ng pahayag ni Bensouda at sa pagpunta ni Commission on Human Rights Chairperson Chito Gascon sa Netherlands. Ang ICC ay naka-base sa Netherlands. Maraming netizens ang nakapuna na bago magbigay ng pagbabanta si Bensouda ay pumunta si Gascon sa Netherlands.

source

No comments

Powered by Blogger.