LOOK! Pacquiao, Nais Ipataw Ang ‘Death Penalty’ Sa ‘Heinous Crimes’ Na May Kinalaman Sa Droga



MAYNILA, Pilipinas – Isinusulong ngayon ni Senador Manny Pacquiao ang isang batas na nais ipataw ang parusang kamatayan sa mga ‘heinous crime’ na kinasasangkutan o may kinalaman sa ilegal na droga.

Sa kaniyang talumpati sa hearing ng Senado tungkol sa kontrobersiyal na ‘death penalty bill’, sinabi ng mambabatas na lumalala na ang problema sa ilegal na droga sa bansa at kailangan na ang isang agarang aksyon ng gobyerno para sugpuin ito. “Kailangan na siguro nating magpasa ng batas na pupuksa punto por punto sa lumalala nating problema sa droga,” ayon kay Pacquiao. “There is now a need to enact a measure that will decisively repress this heinous crimes.”

Dahil umano dito, ipinasa niya ang Senate Bill No. 185 na isinalarawan bilang “an act to impose death penalty and increase penalties on certain heinous crimes involving drugs, amending for that purpose special penal laws, and for other purposes.” Ayon pa sa senador, napapanahon umano ang kaniyang panukalang batas lalo na sa kasalukuyang kampanya ng gobyerno na sugpuin ang ilegal na droga at kriminalidad sa bansa.

Iginiit din ni Pacquiao ang kapangyarihan ng Kongreso na amyendahan ang ilang probisyon sa mga kasalukuyang batas depende sa pangangailangan ng pagkakataon.

Panahon na umano para gamitin ang kapangyarihang ito para ibalik ang ‘death penalty’ sa bansa.

“It is my humble opinion that our problem with heinous crimes related to the trafficking and abuse of dangerous drugs falls within the bounds of this constitutional limitation,” dagdag pa ng senador. Ang kaniyang panukalang batas umano ay planong amyendahan ang ilang probisyon sa Republic Act No. 165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at kabilang na rito ang mas mabigat na parusa sa mga ‘drug traffickers’.

Panoorin ang buong talumpati Senador Manny Pacquiao sa ulat ng ANC:

source

No comments

Powered by Blogger.