LOOK! Liberal Party Congressmen hiling sa publiko: Tularan si Agot Isidro


Suportado ng mga kongresistang miyembro ng Magnificent 7 ang aktres na si Agot Isidro na ngayon ay kontrobersyal dahil sa pagtawag kay Pangulong Rodrigo Duterte na ‘psychopath’.

Sa katunayan ay hinimok nina Albay Rep. Edcel Lagman, Akbayan PL Rep. Tom Villarin, Ifugao Rep. Teddy Baguilat at Caloocan City Rep. Edgar Erice ang publiko na tularan si Isidro. Ayon kay Lagman, hindi dapat matakot ang mga tao na maglabas ng sentimyento laban kay Presidente Duterte.

Aniya, ang freedom of expression ay walang rason na mahadlangan ng takot sa trolls o Duterte supporters na bumabanat sa mga kritiko ng administrasyon sa pamamagitan ng social media.

Para naman kay Villarin, nakakabilib si Isidro na walang takot na inilabas ang saloobin laban sa Pangulo.

Ani Villarin, marapat na maging Isidro ang lahat na kayang i-call out ang aniya’y “emperor has no clothes.” Dagdag nito, kung tutuusin ay dapat itong maging panggising sa Presidente at kailangang maramdaman nito ang kumukulong sentimyento ng mga mamamayan.

Sa panig ni Baguilat, nauunawaan niya kung saan galing ang “hugot ni Agot”.

At ayon pa kay Erice, alam niya na napakalaki ngayon ang sakripisyo ni Isidro dahil sa kanyang naipost sa social media at tiyak na marami siyang magiging haters. Matatandaang na sa post ni Isidro, sinabi nito na mayroon siyang kilalang psychiatrist at dapat nang magpatingin ang pangulo dahil hindi raw ito isang kaso ng bipolar kundi isang psychopath.

source

No comments

Powered by Blogger.