LOOK! GLADYS REYES SUPORTADO ANG KAMPANYA NG GOBYERNO KONTRA DROGA



Hiningan ng reaksiyon ang beteranang actress na si Gladys Reyes sa pagkakasangkot umano ng ilang showbiz personalities sa illegal drugs.

Saad niya, “Sa akin lang, halimbawa nandoon ka sa list, kung ikaw naman ay confident enough, alam mong wala, boluntaryo, pa-drug test kaagad-agad."

“Pumunta ka na, di ba? Wala ka dapat ikahiya, wala kang dapat ikatakot. Lalo na kung alam mo sa sarili mo na hindi ka gumagamit ng bawal na gamot.”

“Kung gumagamit ka, well, siguro siyempre panahon na para ihinto na. Kasi yun namang proyekto ng presidente natin... alam niyo kasi dahil magulang na rin ako."

“Kaya ako siyempre, gusto ko rin naman na masugpo yung drugs. Kasi kung hindi mo susugpuin ito, nakakatakot para sa mga anak namin, sa mga anak ko."

“Kaya pabor naman ako dun sa kampanya against drugs. Dapat lang siguro 'yung due process nga po, lagi nating naririnig in due process."

“Kasi iyon naman talaga ang totoo… sana, sana talaga masugpo na agad-agad.”

Natanong rin si Gladys kung ano ang masasabi niya kung halimbawang may kakilala o kaibigan siyang gumagamit ng drugs.

“Na alam ko talaga na nagda-drugs, kakausapin ko siya. Sasabihin ko talaga, huwag na niyang antayin na mas malaking kahihiyan, di ba, na ibulgar pa o i-announce pa sa kung saan-saan ang pangalan niya." “Kung alam ko rin naman, kung tunay kang kaibigan, sasabihin mo sa kanya kung ano ang makakabuti para sa kanya. Hindi yung kukunsintihin mo pa o kaya, e, para bang mahihiya ka."

“Totoo ka ngang kaibigan, e. Kaya nga sinasabi mo sa kanya, ‘Uy, tama na 'yan!’"

“Kasi siguro naman, ‘O, sige, nung una curiosity lang, sinubukan mo 'yan, na-enjoy mo, tama na!’ Dumating na siguro tayo dun sa limit na, 'Tama na, para rin naman sa iyo ito.”

source

No comments

Powered by Blogger.