“Noong panahon ko, ni chismis na may papasukan si Leila na ilegal, ni chismis wala,”
Ito ang naging deskripsyon ni dating Pangulong Noynoy Aquino sa kanyang Justice Secretary at ngayo’y Senadora na si Leila De Lima. Nabanggit niya ito sa isang panayam sa GMA News. Ayon kay Aquino, umaasa siya na  sa pamamagitan ng “due process” ay mapapalabas ang buong katotohanan.

“Ang bigat nitong paratang at ako’y umaasa na nandiyan ang proseso, na mapapalabas natin ‘yung buong katotohanan, May isang buwan at kalahati na yata last time kami nagkausap. Time to time baka may text, kinakamusta ko siya, sinasabi kong pinagdarasal ko sya, “ sabi ng dating Pangulo.


Si De Lima ay isinasangkot sa isyu ng paglaganap ng droga sa New Bilibid Prison. Sa isinagawang pagdinig sa kamara, ang pangalan ni De Lima ang parating lumilitaw sa mga testimonya ng mga testigo. Mula sa mga preso ng Bilibid hanggang sa mga matataas na opisyal ng kapulisan ay siya ang itinuturo.

source