LOOK: Agot Isidro to Fake Facebook Account: ‘I have my voice. You have yours. Own up to yours.’

agotisidro

Hindi lang bashing ang naranasan ni Agot Isidro simula nang maging viral sa social media ang pagtawag niya kay President Rodrigo Duterte na ‘psychopath.’

Dumating na rin sa puntong may mga gumagawa na ng kanyang fake accounts.

Kagabi, October 20, naghayag ang singer-actress ng kanyang pagkadismaya sa pangyayari.

May mga nagpaabot daw kasi sa kanyang atensiyon ng ilang accounts na may pangalang ‘Agot Isidro’ kung saan puro hindi kagandahan ang mga post laban kay Pangulong Duterte.

Sa Facebook idinaan ni Agot ang kanyang hinaing laban dito.

Pahayag niya, “Some people have sent me links to this page posing as me. This is not my account.

“Apparently, this is not the only one. I’ve seen a few others and have reported all.

“I have my voice. You have yours. Own up to yours.”

fbagot

source

No comments

Powered by Blogger.