Ito na naman si Senadora Leila De Lima, ayaw magpa-awat sa mga birada sa Duterte Administration. Sa kabila ng kaliwa’t kanang pagkasangkot niya sa kalakaran ng iligal na droga sa New Bilibid Prison, ang lakas ng loob ng taong ito na maliitin ang kampanya kontra-droga ng Pangulo.
“Change is supposed to be coming but what’s happened in the last 100 days? All focus is on the war on drugs, there’s nothing wrong with that per se, but that there are a lot of killings,” sabi ng senadora na nasasangkot sa droga.


Ayon sa senadora, isang issue lang daw ang pinagtutuunan ng Presidente  at ito ang kampanya laban sa iligal na gamot .

“The President is only focused on one issue in the same manner he was a one-issue candidate.  He is now a single-issue President,”  sabi ni De Lima.

At kung mayroon man daw ibang issue na pinagkaka-abalahan ang Presidente ay walang iba kundi ang pagkakasangkot ng senadora sa paglaganap ng iligal na gamot sa Bilibid.
“He’s only focused on the war on drugs and, there’s a second issue, war on Leila De Lima.  So his resources are being distracted instead of his attention being concentrated on pressing matters like the economy, poverty, and traffic,”  dagdag pa ni De Lima.

Maling impormasyon ata ang naisaksak ng senadora sa kanyang kokote para makarating sa ganyang konklusyon. Alam naman ng lahat na hindi lang ang isyu tungkol sa iligal na droga ang tinutukan ng pansin ng Duterte Government. Sa tutuusin maraming nagawa ang pamamahala ni Pangulong Duterte sa loob ng 3 buwan.

Ito ang mga sumusunod na nagawa ng Duterte Aministration:
– Nakapagpauwi ng mga stranded na OFW sa Middle East.
– Napagana ang 911 at 8888 hotlines.
– Mayroon ng FREE wifi sa NAIA.
– Natigil na nang husto ang TANIM BALA sa NAIA.
– Nagbigay ng libreng irigasyon para sa mga magsasaka.
-Naglagay ng mga CCTV camera sa BUREAU of CUSTOMS, para masawata ang korapsyon.
-Ipinamahagi ang lupa sa mga magsasaka sa Hacienda Luisita.
-Opensiba laban sa Abu Sayyaf.
-Pinirmahan ang Freedom of Information Executive Order

source