Kat de Castro to Duterte’s Haters:“If you think you can do better than the President, takbo kayo sa 2022 ha?”

de-castro-duterte

Ipinagtanggol ni Tourism Undersecretary Kat de Castro si President Rodrigo Duterte mula sa mga kritiko nito.

Sa Facebook account ng Tourism official nitong Lunes, October 3, isang maiksi pero diretsong pahayag ang ipinost ni Kat sa mga bumabatikos sa Pangulo:

“Damn if you do, damn if you don’t.

“Some people can’t stop being negatrons.

“If you think you can do better than the President, takbo kayo sa 2022 ha?” Sinagot din ni Kat ang isang netizen na pumansin sa paghingi ng paumanhin ni President Duterte kaugnay ng naging pahayag nito na magiging Hitler siya sa paglaban sa droga sa bansa.

Si Adolf Hitler ay ang diktador noong World War II at dahilan sa pagpapahirap at pagkamatay ng milyun-milyong Jews. Na-pick up ang balita ng international media at hindi nagustuhan ng Jewish community ang pahayag ng Pangulo.

Nag-sorry si Duterte sa mga Jews na hindi nagustuhan ang kanyang pahayag.

Depensa ni Kat, mas mabuti na humingi ng sorry si Pangulong Duterte kapag kinakailangan.

“At least he apologizes when there is a need to. Mas mahirap naman kung hindi siya nag apologize.”

kat-fb



source

No comments

Powered by Blogger.