JUST IN: Trillanes, Kinakausap Ang Mga Militar At Kapulisan Para Patalsikin Sa Malacanang Si Duterte?

trillanes-kinakausap-ang-mga-militar-at-kapulisan-para-patalsikin-sa-malacanang-si-duterte-main

Kinumpirma noong Biyernes ni Cabinet Secretary Leoncio Evasco, na may mga taong nagbabalak na alisin ang  Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pwesto bilang Presidente. Ayon sa  kalihim, ilang taga-Liberal Party at mga negosyante ang nagtatangkang  pabagsakin ang gobyerno ni Duterte.

Isa rin raw si Senador Antonio Trillanes sa mga tao sa likod ng pagpapabagsak sa Pangulo. Sinabi ng kalihim na kinukumbinsi na raw ng mga ito ang ilang sektor sa militar at kapulisan na sumama sa kanilang maitim na layunin.

“They are convincing the military and police, [particularly] Senator Antonio Trillanes IV, to join in their cause to topple Duterte,”

Matagal nang may lumilitaw sa social media ang mga usap-usapan ng pagpapatalsik sa pangulong Duterte at lalong naging  hayag ito nang banggitin ni Senator Alan Peter Cayetano ang PLAN B ng Liberal Party sa isang niyang interview.

Kinusap ni Trillanes si Duterte noong nakaraang taon para maka-tandem sa halalan 2016, ngunit tinanggihan siya ni Duterte. Matatandaang kung anu-anong black propaganda ang ginawa ni Trillanes para madiskaril ang pagka-Presidente ni Pangulong Duterte noong nakaraang eleksyon. Ilang beses na rin nasangkot si Trillanes sa pagpapabagsak sa gobyerno noon ni Ex-President GMA, kaya hindi malayong may katotohanan ang mga kumpirmasyon ni Evasco.

source

No comments

Powered by Blogger.