Humirit na naman si Trillanes: “Nangako ng langit pero ano’ng nangyari, mga pangakong napako?



Hirit ito kahapon ni Sen. Antonio Trillanes IV na umaasang mamulat na ang taumbayan sa umano’y mga ‘boladas’ lang ni Pangulong Rodrigo Duterte at lantarang panloloko sa publiko.
Kasabay ito ng bagsak na gradong ibinigay ng senador sa unang 100 araw na panunungkulan ng Pangulo.
Ayon kay Trillanes, sa dami ng ipinangako ng Pangulo na kanyang gagawin sa loob ng 100 araw mula nang siya’y maupo ay puro napapako lamang.
Inihalimbawa ng senador ang sinabi nitong pagresolba ng trapiko at talamak na smuggling ngunit wala namang nakitang pagbabago partikular ang trapik na lalo pa umanong lumala.
Puro lamang umano daldal at yabang ang Pa­ngulo kung kaya’t umaasa umano siyang tuluyan nang mamulat ang taumbayan.

“Sana mamulat na ang mga Filipino, pinagloloko ho kayo,” diin ng senador.

Sinita pa ni Trillanes ang pagiging mayabang ng Pangulo matapos na murahin at makipag-away sa mga lider ng ibang bansa na hindi isinaalang-alang ang magiging epek­to nito sa bansa.
Dagdag pa ng senador na sa ginawang pakiki­pag-away ng Pangulo sa ibang bansa partikular ang bantang pagkalas sa alyansa nito sa Estados Unidos ay nakakaapekto na sa ekonomiya ng bansa na kung saan sinasabing marami ng investors ang umaatras at nag-alis ng kanilang pera sa bansa.

source

No comments

Powered by Blogger.