Gordon To De Lima: Ginagamit Mo Lang Ang Senado!



“Ang tingin ko, nagagamit yung committee na maghabol ng tao. Kung gusto mo sabihin mo, we want to investigate President Duterte, sabihin mo deretsahan, ‘wag kang magtago sa committee,”

Ito ang panibagong banat ni Senador Dick Gordon kay Senadora Leila De Lima, matapos kuwestiyonin ni De Lima ang naging desisyon ni Gordon na ihinto na ang isinasagawang senate imvestigation sa mga nangyayari diumanong extra-judicial killings sa bansa, sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Duterte.

Hindi rin napigilan ni Gordon na ungkatin ang pagkakatanggal ni De Lima bilang chairman ng justice committee sa senado. Matatandaan na si De Lima ang justice committe chairman noong sinimulan ang imbestigasyon sa ejk. Natanggal si De Lima sa pagiging chairman ng komite sa pamamagitan ng 16 na senador na bumoto para alisin ito sa pagiging chairman.

“Kaya nga nadisgrasya siya eh, natanggal, nakakahiya nga yun. Syempre hindi maganda na natanggal ka because nawala yung objectivity,”

Si De Lima ay nasasangkot  sa isang malaking kontrobersya sa New Bilibid Prison. Binansagan ang senadora na “Mother of all drug lords” ng kanyang dating mga tauhan sa National Bureau of Investigation. Pinondohan din raw ng senadora ang kanyang kampanya ng drug money.


source

No comments

Powered by Blogger.