GOOD NEWS: EO ng ‘Hotline 8888’ nilagdaan na ni Pres. Duterte

911 8888

Pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order No. 6 na pormal na nagta-tatag sa “8888” bilang citizens’ complaint hotline.

Nakasaad sa nasabing Eo ang mandato ng 8888 bilang isang mekanismo kung saan maaring magsumbong ang mga mamamayan tungkol sa red tape o katiwalian ng anumang ahensya ng gobyerno at iba pang mga kaugnay na opisina sa pamahalaan.

Pamumunuan ito ng Office of the Cabinet Secretary kung saan nakatalaga si Leoncio Evasco Jr.

Maaring magsumbong sa 8888 sa pamamagitan ng text message, email, website at sa social media, at bukas ito 24/7 maliban na lamang kung holiday o suspendido ang trabaho.

Kapag may nagsumbong sa 8888, ire-refer nila ito sa ahensyang nasasangkot para sa magiging hakbang nila upang maresolbahan ang reklamo at kailangan nilang magkaroon ng konkretong aksyon sa loob lamang ng 72 oras.

Nagsimula na noon pang August 1 ang 8888 hotline pati na ang 911 emergency hotline, ngunit noong October 14 lamang nalagdaan ng pangulo ang pormal na institutionalization nito. rgency hotline.

source

No comments

Powered by Blogger.